Mga menor de edad, may libreng sakay sa LRT-2 at MRT-3 ngayong araw

May libreng sakay ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Trail Transit Line 2 (LRT-2) para sa mga menor de edad ngayong araw.

Ito ay bilang pakikiisa ng mga linya ng tren sa pagdiriwang ng 27th National Children’s Month.

Ang maaring maka-avail ay ang mga 18 anyos pababa.

Parehong epektibo ang libreng sakay ng MRT-3 at LRT-2 alas-7:00 hanggang alas-9:00 ngayong umaga at alas-5:00 hanggang alas-7:00 mamayang gabi.

Kailangan lamang magpresenta ng School ID sa mga station personnel para sa libreng sakay.

Sa LRT-2 naman, kung walang school ID, sasailalim sa assessment ng station personnel kung ang pasahero ay edad 18 anyos nga at pababa.

Read more...