Bonus ng mga opisyal ng DOTr ido-donate sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

Ido-donate ng mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) ang kanilang bonus para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Kabilang sa magdo-donate si Secretary Arthur Tugade at kaniyang management team na binubuo ng lahat ng undersecretaries, assistant secretaries, at mga pinuno ng attached agencies.

Ibibigay nila sa mga biktima ng lindol ang kanilang 14th month pay.

Ayon kay Tugade, sa ngayon umabot na sa P1.2 million ang nalikom dahil sa nasabing pledge.

Inaasahan ding magbibigay ng donasyon ang mga empleyado ng DOTr.

Read more...