Inanunsyo ito ng Civil Aeronautics Board (CAB) matapos ang pulong kasama ang mga kinatawan ng Philippine Airlines, Cebu Pacific Air, at Philippine AirAsia.
Kabilang sa makaka-avail ng libreng cargo sa tatlong airline companies ay ang mga ahensya ng gobyerno at and non-government organizations (NGOs) na magpapadala ng relief goods para sa mga nasalanta ng lindol.
Mayroon nang inisyung akreditasyon ang tatlong airline companies para ahensya ng gobyerno at NGOs.
Maliban sinabi din ng Cebu Pacific at AirAsia na magbibigay ng limited lamang na libreng biyahe para sa relief workers o medical personnel at volunteers na sinertipikahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) o Department of Health (DOH) at inindorso ng CAB.