2 arestado sa droga at mga baril sa QC

Arestado ang dalawang drug suspects sa buy bust operation sa Barangay Holy Spirit, Quezon City Miyerkules ng madaling araw.

Nakumpiska ang mahigit P100,000 halaga ng shabu sa dalawang suspects na kinabibilangan ng Indian national na nakilala sa alyas na Rupert.

Sa operasyon ng pulisya, agad inaresto si Rupert matapos makabili ang poseur-buyer ng P1,500 na halaga ng droga.

Nakuha sa mga suspects ang 18 gramo ng shabu, dalawang kalibre .38 na baril at mga bala.

Itinanggi naman ng Indian national na kanya ang nasamsam na droga at mga baril.

 

Read more...