Construction worker patay sa pamamaril sa QC

Dead on the spot ang isang construction worker habang sugatan ang kasama matapos ang pamamaril sa Bagong Silangan, Quezon City Miyerkules ng madaling araw.

Ayon sa Batasan Police Station, patay si Reynante Hegoncillo habang dinala sa East Avenue Medical Center ang kasama nitong nasugatan.

Ayon sa kinakasama ng biktima, bibili lamang ito ng ulam nang pagbabarilin ng wala pang pagka-kilanlan sa suspect.

Aminado man na dating gumagamit ng droga ang biktima, sinabi ng live-in partner na wala siyang alam na kaaway ito.

Sinabi naman ng pulisya na nasa drugs watchlist ang biktima at nakulong na noong 2016 dahil sa ibang kaso.

 

Read more...