Patay sa enkwentro sa militar ang tatlong hinihinalang suicide bombers ng Abu Sayyaf Group sa Indanan, Sulu araw ng Martes.
Ayon sa militar, ang mga naaresto ay kinabibilangan ng dalawang Egyptian nationals at isang Filipino.
Nakilala ang mga dayuhan sa mga pangalan lamang na Abduramil at Abdurahman na pinaniniwalaang mag-ama.
Ayon kay Western Mindanao Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana, nakatakdang magsagawa ng suicide bombings ang tatlo nang maharang sila ng mga miyembro ng Philippine Army sa checkpoint sa Barangay Kan Islam alas 5:00 ng hapon.
Pinaputukan umano ng mga suspects ang mga sundalo kaya nagkaroon ng bakbakan sa loob ng 5 minuto.
Narekober ang dalawang bomb vests na mayroong mga pampasabog at triggering device, .45 caliber pistol at hand grenade.
Kinukumpirma ng militar kung ang dalawang Egyptians ay may kaugnayan sa babaeng suicide bomber na umatake sa isang military outpost sa Sulu noong Sityembre.