LPGMA Rep. Rodolfo Albano Jr., pumanaw na sa edad na 85

Sumakabilang-buhay na si Liquified Petroleum Gas Marketers’ Association (LPGMA) Representative Rodolfo Albano Jr. sa edad na 85.

Ayon sa kaniyang anak na si Isabela Governor Rodito Albano, pumanaw ang nakatatandang Albano bandang 6:00 ng gabi.

Aniya, nasawi ang kaniyang ama bunsod ng heart failure.

Nakatakdang iburol ang mambabatas sa Heritage Park sa Taguig City simula sa Miyerkules, November 6.

Dadalhin din ang mga labi ng mambabatas sa House of Representatives sa araw ng Huwebes, November 7.

Read more...