Ilang lugar sa Cagayan, binaha bunsod ng Bagyong Quiel; Klase sa bayan ng Sanchez Mira, sinuspinde

Binaha ang ilang lugar sa Cagayan bunsod ng pag-uulang dala ng Tropical Depression ‘Quiel.’

Ayon kay Rueli Rapsing, pinuno ng Task Force Lingkod Cagayan-Quick Response Team (TFLC-QRT), limang barangay ang apektado ng pagbaha sa bayan ng Sta. Praxedes. Kabilang dito ang mga Barangay Salunzon, Capacuan, Centro 2, Portabaga at Centro 1.

Hindi rin aniya maaaring daanan ng mga motorista ang Kilkiling Road.

Inilikas pa ang tatlong pamilya at napinsala ang tulay sa bahagi ng Sitio Surngot sa Barangay Portabaga.

Apektado rin ng pagbaha ang mga bayan ng Sanchez Mira, Pamplona at Claveria.

dahil dito, sinuspinde ang klase sa lahat ng paaralan sa Sanchez Mira bunsod ng walang tigil na pag-ulan.

Inihanda na rin ang mga aluminum boat para sa pagpapakalat ng mga tauhan upang makatulong sa mga maaapektuhan ng pagbaha.

Read more...