Flight sa Clark Airport, naantala dahil sa ipinatupad na Lightning Red Alert

Photo grab from @CebuPacificAir/TWITTER

Itinaas ang Lightning Red Alert sa Clark International Airport, Martes ng gabi.

Sa Twitter, sinabi ng Cebu Pacific na inilabas ang alerto ng PAGASA bandang 6:29 ng gabi.

Dahil dito, pansamantalang sinuspinde ang ramp movement sa aircraft at ground personnel sa nasabing paliparan.

Sinabi ng airline company na layon nitong walang maitalang untoward incident bunsod ng kidlat.

Dahil dito, naantala ang flight 5J 120 na biyaheng Clark – Hongkong.

Humingi naman ng pang-umahin ang airline company sa mga apektadong pasahero.

Read more...