Tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa Davao del Sur, Martes ng hapon.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang lindol sa 13 kilometers Southwest ng Magsaysay bandang 5:18 ng hapon.
May lalim ang lindol na 23 kilometers at tectonic ang dahilan.
Dahil dito, naramdaman ang intensity 3 sa Kidapawan City.
Naitala naman ang instrumental intensity 2 sa mga sumusunod na lugar:
– Kidapawan City
– Malungon, Sarangani
– Koronadal City
– Tupi, South Cotabato
Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES