Nabiktima ang 29 na bakwit sa Cotabato dahil sa food poisoning.
Sa press briefing, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director Ricardo Jalad na nakitaan ng sintomas ng food poisoning ang mga biktima matapos kumain ng ipinamahaging pagkain sa evacuation center.
Isinugod aniya ang mga biktima sa iba’t ibang ospital sa lugar.
Hindi pa aniya matukoy kung kanino galing ang mga pagkain na nagmula sa Kidapawan City.
Ani Jalad, hindi naman siguro sinasadya ang nasabing insidente.
Kasunod nito, pinaalalahanan ni Jalad ang mga magbibigay ng donasyon na tiyaking matagal pa ang pagkasira ng mga ipadadalang pagkain.
Aniya, ito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga apektado ng lindol sa Mindanao.
MOST READ
LATEST STORIES