Nangakong tutulong ang Philippine National Police (PNP) kay Vice President Leni Robredo na pag-aksyon sa kampanya kontra sa ilegal na droga.
Ito ay matapos italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Robredo bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na susunod ang kanilang hanay sa direktiba ng pangulo.
Ipaaabot aniya ng PNP ang buong kooperasyon sa bise presidente.
Batay sa memorandum, maliban sa PNP, kasama rin sa ICAD ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Dangerous Drugs Board (DDB) at iba pang law enforcement agencies.
MOST READ
LATEST STORIES