8 pulis, nahuling natutulog habang naka-duty sa kasagsagan ng Undas

Nahuli sa aktong natutulong ang walong pulis sa Metro Manila sa kasagsagan ng Undas, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sa isang press briefing, sinabi ni NCRPO acting director Brig. Gen. Debold Sinas na nahuli ng binuong “red teams” ang mga pulis sa magkakahiwalay na insidente mula October 28 hangga November 2.

Apat ang nahuli sa Makati City habang tig-dalawa naman sa Valenzuela City at Caloocan City.

Ani Sinas, ipinag-utos na sa walo ang pagpapaliwanag ukol sa insidente.

Dagdag pa nito, ang mga chief of police sa nasabing lugar na ang bahalang magpataw ng parusa sa walo.

Read more...