Asian hub operation ng FedEx ibabalik sa Pilipinas

AP

Inihayag ng FedEx na ibabalik na nila ang kanilang operasyon sa bansa.

Ayon sa American multinational courier delivery services company, mas magiging malaki ang kanilang operasyon sa bansa.

Taong 2009 nang ipilipat nila sa Guangzhou, China ang kanilang Asian hub mula sa Subic Bay sa Zambales.

Sinabi ni Ambassador Jose Manuel Romualdez na sa Clark sa Pampanga ang magiging operation center ng FedEx.

Sa kalagitnaan ng taong 2020 sisimulan ang pagtatayo ng kanilang gusali at inaasahang magiging fully operational sa 2024.

Naniniwala ang ilang industry insider na posibleng may kaugnayan sa US-China trade war ang desisyon ng FedEx na ibalik sa bansa ang kanilang operasyon.

Idinagdag pa ni Romualdez na dalawa pang US major companies ang nakatakdang maglagak ng negosyo sa bansa.

Read more...