Pagiging drug czar kayang-kaya ni Robredo ayon sa Malacanang

INQUIRER PHOTO/JOAN BONDOC

Kumpiyansa ang Malacanang na magigng epektibong drug czar si Vice President Leni Robredo.

Pahayag ito ng palasyo matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang memorandum na nagtatalaga kay Rorbedo bilang co-chairman ng Inter-Agency Dommittee on Anti-Illegal Drugs o ICAD habang ang pinuno ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang magiging chairman.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, bright naman si Robredo.

Inatasan na rin kasi aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Drug Enforcement Agency, Dangerous Drugs Board at Philippine National Police at iba pang tanggapan ng pamahalaan na makipagtulungan kay Rorbedo.

Bahala na aniya si Robredo kung paano didiskartehan ang kampanya konta sa illegal na droga at ipauubaya na rin sa kanya kung itutuloy pa ba ang Oplan Tokhang o hindi na.

Maari kasi aniyang may ibang estratihiya si Rorbedo sa pagsugpo sa naturang problema.

Dahil cabinet rank ang pagiging drug czar ni Robredo, welcome na aniya ang bise presidente na dumalo sa nakatakdang cabinet meeting sa Huwebes, November 7.

Wala pang natatanggap na tugon ang palasyo kung tinatanggap na ni Robredo ang alok ni Duterte.

Bukod sa PDEA, DDB at PNP, nakasaad sa memo na kasama sa inter-agency committee on illegal drugs ang DILG, DOJ, DOH DepEd, DSWD, DTI, DA, DND, TESDA, PAO, NBI, AFP, Anti-Money Laundering Council at iba pa.

Read more...