Metro Manila, mga kalapit na lalawigan uulanin sa susunod na mga oras

Uulanin sa susunod na mga oras ang Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa abiso thunderstorma advisory ng PAGASA na inilabas ala 1:00 ng hapon, katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Bulacan, Rizal at Cavite.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa Magalang, Mabalacat, Angeles City, Porac at Floridablanca, Pampanga; Zambales; Bataan; Tarlac at Nueva Ecija.

Pinayuhan ang mga residente na maging maingat sa posibleng pagbaha lalo na sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.

Read more...