Sa memorandum na nilagdaan ni Pangulong Duterte, nakasaad na itinatalaga si Robredo bilang co-chairperson ng nasabing komite.
May petsang October 31, 2019 ang memorandum pero ngayon lamang inilabas sa media ng palasyo.
Tatagal ang designation ni Robredo sa nasabing komite hanggang sa June 30, 2022 maliban na lamang kung babawiin ng pangulo ang kautusan.
Nakasaad din sa memorandum na inaatasan ang Philippine Drug Enfrocement Agency (PDEA), Philippine National Police, Dangerous Drugs Board (DDB) at iba pang law enforcement agencies na i-extend ang buong assistance at kooperasyon kay Robredo para matiyak ang tagumpay ng kampanya ng gobyerno sa war on drugs.