Ayon kay Office of National Security spokesman Francis Langoba Kelly, isinagawa ang tests at nag-positibo sa virus ang isang 22-anyos na babae na nasawi nitong buwan lamang sa hilagang bahagi ng Sierra Leone.
Mula sa Northern Kambia District ang babae at tumungo sa Northern Tonkolili District para magpagamot.
Dahil dito, tine-trace na ng mga otoridad ang kaniyang mga nakasalamuha at nagpadala na ng mga teams sa mga lugar na kinaroonan para magsagawa ng imbestigasyon.
Dagadag pa ni Kelly, isaisailalim sa quarantine ang mga lugar at mga taong mapapatunayang nakasalamuha ng nasawing pasyente.
Idineklara ng WHO nitong Huwebes na tapos na ang outbreak ng Ebola dahil may isang buwan nang walang naitatalang kaso ng virus sa Liberia, Guinea at Sierra Leone na mga labis na naapektuhan ng sakit.
Tiniyak naman ni Kelly na handa sila na rumesponde dito at na walang dapat ipag-alala ang publiko.
Hinimok na lamang niya ang mga residente na ipagpatuloy lang ang hygiene regulations na kanilang inilabas para makaiwas sa virus.