Gen. Iriberri, bumisita sa Sulu at Zamboanga

The 46th Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. Gen. Hernando Iriberri delivers his remarks upon assumption as head of AFP during the Testimonial Honors and AFP Change of Command Ceremony at the Tejeros Hall of the AFP Commissioned Officer’s Club (AFPCOC), Camp General Emilio Aguinaldo in Quezon City on Friday (July 10, 2015). Iriberri replaced former AFP Chief General Gregorio Pio Catapang, Jr. following the latter's retirement from his Tour of Duty. Lt. Gen. Iriberri is a member of the Philippine Military Academy (PMA) “Matikas” Class of 1983. (Photo by Gil Nartea/ Malacañang Photo Bureau)
(Photo by Gil Nartea/ Malacañang Photo Bureau)

Bumisita si Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Hernando Iriberri sa Sulu at Zamboanga, araw ng Biyernes sa harap ng mas pinaigting na seguridad sa bansa dahil sa mga pag-atakeng naganap sa Jakarta, Indonesia.

Ayon sa tagapagsalita ng AFP na si Col. Restituto Padilla, tumungo sa mga nasabing lugar si Iriberri para iparamdam sa lahat ang pagtitiyak sa seguridad ng bansa.

Dagdag pa ni Padilla, ito’y bilang pakikiisa rin sa Indonesia at para maiwasan na may mangyari pang katulad na insidente sa anumang bahagi ng rehiyon.

Ngayong Sabado naman, nakatakdang tumungo si Iriberri sa Basilan.

Ani Padilla, tumungo rin doon si Iriberri para personal na pasalamatan ang mga sundalong nag-sakripisyo ng kanilang oras at panahon lalo na sa nagdaang holiday season.

Karamihan kasi aniya sa kanila ay walang holiday break dahil sa mas pinaigting na mga operasyon, alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Aquino para masupil ang anumang hakbang na may kinalaman sa terorismo.

Muli namang iginiit ni Padilla na wala pa silang natatanggap na credible at verified na impormasyon hinggil sa presensya ng mga ISIS dito sa Pilipinas.

Maliban sa Abu Sayyaf at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, wala pa naman sila aniyang namo-monitor na banta seguridad sa bansa matapos ang Jakarta blasts./

Read more...