Dalawang pawikan nailigtas sa Naga City, Cebu

Dalawang green sea turtles o pawikan ang nailigtas ng Community Environment and Natural Resources Office (Cenro) sa Naga City, Cebu.

Sa Facebook Page ng Department of Environment and Natural Resources Region 7 ibinahagi ang pagsagip sa dalawang ghreen sea turtles na na-trap sa lambat malapit sa pampang.

Ang isang pawikan ay may sukat na 57 centimeters na haba at 52 centimeters na lapat. Habang ang isa ay may habang 69 centimeters at lapad na 64 centimeters.

Nilagyan muna ng tag ang mga pawikan bago ito pinakawalan sa karagatang sakop ng Barangay Poblacion.

 

Read more...