Ang natatanging SGLG ay pormal na ipinagkaloob kay Mayor Robes sa isang pormal na seremonya na ginanap sa Manila Hotel ngayong Martes, Nov. 5.
“Kasi ang SGLG (Seal of Good Local Governance) ay isa sa pinakamahalagang award ng local government. Sa lahat ng award na nakakamtan natin ito ay ipinapagpasalamat natin sa Panginoon dahil binibigyan tayo ng lakas ng katawan at liwanag ng isip para pagbutihan ang paglilingkod,” ayon kay Robes.
Hindi rin nakalimutan ni Mayor Robes na ialay sa kanyang kapuwa San Josenos ang karangalan.
“Hndi lang naman ito award ko, award ito ng buong City dahil sa pagsisikap natin dahil gusto nating mapaganda ang buong lungsod. We are tagging San Jose City as the rising city maybe the next highly urbanized city naman. So it is not only my accomplishment but big accomplishment of all San Josenos,” dagdag ng alkalde
Ayon kay Robes, mahabang proseso para makamit ang karangalan at bawat departamento ay binibigyan ng mga requirement na kailangan nilang matugunan.
Gayunman mayroon pa ring munting hiling si Mayor Robes sa kanyang kaarawan at ito ay ang mabigyan siya ng mabuting kalusugan para sa mas matagal pang paglilingkod sa SJDM.
Kabilang pa sa mga natanggap na pagkilala ng San Jose City sa taong ito ay ang ; City with the highest accredited day care workers 100%, For providing outstanding logistical support for the seaman of the city of SJDM, having the highest budget allocation for the implementation of “Pantawid Pamilyang Pilipino Program”, Innovation Award-Extraordinary outcome from the implemented activities and practices related to climate change adaptation at Most Supportive Mayor Award 2019 para kay Mayor Robes.
At bilang pagkilala ni Mayor Robes sa kanyang nasasakupan, isang tatanging gawag parangal ang ipagkakaloob ng alkalde sa mga natataning kawani ng gobyerno, edukasyon at maging ng simpleng mamamayan.
“Every birthday ko nagbibigay ako ng parangal sa mga natatanging San Joseno na nagmula sa kawani ng gobyerno, kawani ng Department of Education, mga simpleng mamayan para isang karangalan na sabihin nating sila ay magaling na lingkod bayan,” ani Robes.
Sa kanyang mga natamong karangalan at pagkilala sa taong ito, sinabi ni Robes na marami pang kailangang makamit ang lungsod lalo na sa usapin ng infrastructure at investment.