Apat na tulak ng droga arestado sa Caloocan City; mahigit P230K halaga ng shabu nakumpiska

Nakumpiska ang 35 gramong shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis ng Northern Police District (NPD) sa Caloocan City bandang ala-1:30, Martes ng Madaling araw, Nov. 5.

Traget ng mga pulis ang mga drug suspect na sina Andrea Matera Umali, alyas Bambie, 29-anyos; Elmer Bote Correche, alyas Esme, 50-anyos; Jonathan Catindoy Yco, 46-anyos at Jeffrey De Guzman Ramos, 38-anyos.

Tinatayang 238,000 ang halaga ng shabu na nakuha sa mga suspek.

Maliban dito, nakuha rin ang P2,500 na ginamit bilang buy-bust money, walong pirasong pekeng P1,000 at isang digital weighing scale.

Nakakulong na ang mga suspek sa Caloocan City Police Station at nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...