Bilang ng mga evacuees sa magkakasunod na lindol sa Mindanao nadagdagan pa ng ilang libo

Umabot na sa 7,477 na pamilya o 36,183 na katao ang lumikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa pagkakasunod na lindol sa Regions XI at XII.

Ayon sa update mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa nasabing bilang, 26,038 na indbidwal ang nasa mga evacuation center sa bayan ng Bansalan, Hagonoy, Magsaysay at Digos City sa Davao Del Sur.

Habang 10,145 naman ang nasa evacuation centers sa Kidapawan City, sa Cotabato.

Nasa 1,493 na pamilya o 7,465 na indibidwal ang pansamantalang nakikitira sa kanilang mga kaibigan at kaanak.

Ayon sa DSWD, sa 33,110 na mga napinsalang bahay, 22,279 ang totally damaged at hindi na mapapakinabangan pa habang 10,831 naman ang partially damaged.

Sa datos ng DSWD, sa kabuuan umabot sa 231,250 na katao ang naapektuhan ng lindol sa 251 n amga barangay sa Regions XI at XII.

Read more...