Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) umabot lang sa 0.8 percent ang naitalang inflation noong Oktubre, mas mababa sa 0.9 percent noong Setyembre.
Ito na rin ang pinakamababang inflation sa kasaysayan mula noong May 2016 kung saan naitala din ang 0.9 percent.
Ayon sa PSA ang pagbaba ng inflation ay bunsod ng pagbaba ng halaga ng mga pangunahing produkto gaya ng pagkain at non-alcoholic beverage.
Nakapag-ambag din ang bumabang halaga ng tubig, kuryente at produktong petrolyo.
READ NEXT
LOOK: Landslide naganap sa isang residential area sa Pamplona, Cagayan dahil sa walang tigil na pag-ulan
MOST READ
LATEST STORIES