Pampanga at Bulacan uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa Pampanga at Bulacan sa susunod na mga oras.

Ayon sa thunderstorm advisory ng PAGASA, alas 6:03 ng umaga ng Martes, Nov. 5 ay katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa dalawang lalawigan.

Ganitong lagay din ng panahon ang nararanasan na sa Mariveles at Limay sa Bataan at sa mga bayan ng San Marcelino, San Antonio, Castillejos at Subic sa Zambales.

Pinapayuhan ang mga residente na maging maingat sa pagbaha na maaring maidulot ng malakas na buhos ng ulan.

Read more...