LOOK: Bagong posters ng Frozen II inilabas na ng Disney

Ipinasilip na ng Disney sa publiko ang mga bagong posters ng pelikulang Frozen II.

Tatlong bagong posters ang ibinahagi ng Disney sa Twitter account na “Disney’s Frozen 2”.

Usa unang poster makikita ang mga bida sa pelikula na sina Elsa, Anna, Kristoff, si Sven at Olaf.

Ang dalawang iba pang posters ay tanging si Elsa ang makikita.

Inanunsyo din ng Disney na maari nang mabili simula ngayong araw ang tickets para sa pelikula.

Dito sa Pilipinas, ang Frozen II ay mapapanood simula sa ikatlong linggo ng Nobyembre.

Read more...