Chile niyanig ng magnitude 6 na lindol

Niyanig ng magnitude 6.0 na lindol ang Coquimbo, Chile.

Ayon sa US Geological Survey, tumama ang lindol sa karagatan ng Coquimbo sa layong 17 kilometers mula sa Los Vilos, Chile.

Naganap ang pagyanig alas 5:53 ng umaga oras sa Pilipinas.

Naramdaman din ang pagyanig sa Argentina.

Wala pa namang naiuulat na pinsala bunsod ng nasabing lindol.

Read more...