Manila Water namahagi ng inuming tubig sa mga nasalanta ng lindol sa Mindanao

Namigay ng malinis at maiinom na tubig ang Manila Water sa mga naapektuhan ng sunud-sunod na lindol sa Mindanao.

Umabot sa 2,000 na limang galon na bote ng Healthy Family Purified Water ang naipamigay sa mga evacuation center sa Kidapawan City at sa mga bayan ng Makilala at Tulunan sa North Cotabato.

300 five-gallon bottles naman ang naibigay sa bayan ng Magsaysay sa Davao Del Sur.

Ang malinis na inuming tubig ay pangunahing problema ng mga nasalanta ng lindol sa Mindanao.

Read more...