Batay sa anunsyo ng RTWPB, mula sa dating P305 hanggang P320, magiging P350 na ang arawang minimum wage sa Baguio City, La Trinidad at Tabuk City.
Makatatanggap naman ng P340 na arawang nimimum wage ang iba pang lugar sa rehiyon mula sa dating P300 hanggang P315.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Director Exequiel Ronnie Guzman, ang bagong minimum wage ay batay sa poverty threshold ng Cordillera Administrative Region (CAR).
Sakop ng umento ang lahat ng minimum wage earners sa buong CAR anuman ang posisyon at status sa private sector.
Hindi naman kasama ang mga nagtratrabaho sa personal service tulad ng drivers, domestic workers at mga manggagawa sa Barangay Micro Business Enterprises dahil ibang batas ang umiiral para sa kanila.
Epektibo ang bagong sahod sa November 18, 2019 at magsasagawa ang DOLE ng inspeksyon sa mga negosyo para matiyak na naipatutupad ito.