Pagpapalit ng riles sa MRT-3 nagsimula na

Nagsimula na kagabi ang pagpalit sa mga riles ng MRT-3.

Alas 11:00 ng gabi ng Lunes (Nov. 4) ganap na umarangkada ang rail replacement sa MRT-3.

Bahagi ng aktibidad, ang pagdudugtong-dugtong sa 10 piraso ng riles na 18 metro ang haba bawat isa para makabuo ng isang long-welded rail (LWR) na may habang 180 metro.

Ang mga riles ay magdamag na ilalatag kada araw mula alas 11:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw o sa mga oras na walang biyahe ang mga tren.

Sa Buendia Station hanggang Ayala Station Southbound inumpisahan ang pagpapalit ng riles.

Sa sandaling mapalitan na ang mga riles sa MRT-3 mababawasan ang pagkatagtag sa biyahe ng mga tren na kadalasang dahilan kaya nagkakaroon ng sira at aberya ang tren.

Read more...