Traffic sa SLEX posibleng mas titindi pa sa mga susunod na araw

Asahan ang mas lalo pang pagsisikip sa daloy ng traffic sa South Luzon Expressway (SLEX).

Sa abiso ng SMC Tollways, simula ngayong araw Nov. 5 hanggang sa Nov. 30 ay maglalagay ng temporary steel ramp sa Alabang Viaduct na kukunekta sa Skyway Elevated.

Aasahan ang katamtaman hanggang sa masikip na daloy ng mga sasakyan sa lugar sa nasabing mga petsa.

Samantala, sa November 8 naman, araw ng Biyernes mula alas 10:00 ng gabi hanggang sa November 9, Sabado alas 2:00 ng hapon isasara sa daloy ng traffic ang SLEX Filinvest Southbound Exit Ramp.

Ito ay para naman sa gagawing preventive maintenance.

Asahan ding magdudulot ito ng pagsisikip sa daloy ng traffic.

Read more...