PNP Central Luzon may bagong regional director

May bagong hepe ang Central Luzon Police.

Ito ay matapos italaga si dating Philippine National Police-Directorate for Police Community Relations (PNP-DPCR) deputy director Brig. Gen. Rhodel Sermonia bilang acting director ng Police Regional Office 3 (Central Luzon).

Pinalitan ni Sermonia si Brig. Gen. Joel Napoleon Coronel na una nang itinalaga bilang bagong direktor ng Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Epektibo ang trabaho ni Sermonia bilang Central Luzon police chief simula kahapon (Nov. 4).

Samantala, pumalit kay Sermonia si Brig. Gen. Bartolome Bustamante bilang deputy director ng DPCR.

Mula naman sa pagiging deputy director ng PNP Anti-Kidnapping group ay inilipat si Col. Julius Lagiwid sa DPCR bilang acting executive officer.

Si Col. Domingo Lucas naman na dating Deputy Regional Director for Operation ng Police Regional Office 2 (Cagayan Valley) ay itinalaga bilang bagong Deputy Regional Director for Administration ng  Police Regional Office 5 (Bicol Region).

Ang balasahan ay bahagi ng major revamp na ipinatutupad ni Lt. Gen. Archie Gamboa, ang kasalukuyang officer-in-charge ng PNP.

Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, ang bagong assignment ng PNP officials ay inirekomenda ng PNP Senior Officers Placement and Promotion Board.

 

Read more...