Duterte balik-bansa na mula sa 35th ASEAN Summit

Nakabalik na sa bansa si Pangulong Rodrigo Duterte matapos dumalo sa 35th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Thailand.

Tatlong araw ang pangulo sa Bangkok para sa pulong ng mga kapwa lider kaugnay ng terorismo at seguridad sa rehiyon.

Napag-usapan din sa pulong ang ugnayang pang-ekonomiya kabilang ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).

Araw ng Lunes isinagawa ang mga huling meeting sa pagitan ng ASEAN at mga bansang miyembro nito.

Pero hindi na dumalo ang pangulo sa 3rd Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) summit at ASEAN closing ceremony. (Len)

 

 

 

 

 

Read more...