Kinundina ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang pag-atake na naganap sa Jakarta Indonesia kahapon.
Sa pahayag ng ASEAN Foregion Minister, nagpa-abot din ito ng pakikiramay sa Indonesian Government at sa mga mamayan sa nasabing bansa, partikular sa pamilya ng mga biktima.
Pinapurihan din ng ASEAN ang security forces ng Indonesia dahil sa mabilis na pagresponde sa serye ng pag-atake.
“ASEAN extends its deepest sympathies and condolences to the Indonesian Government and people, especially to the families of the victims of this attack. ASEAN Member States commend the Indonesian security forces’ swift and courageous actions in responding to the attack,” ayon sa pahayag ng ASEAN.
Tiniyak din ng ASEAN ang buong suporta sa Gobyerno ng Indonesia para mapanagot ang mga nasa likod ng pag-atake.
Ayon sa ASEAN, patuloy ang ugnayan ng mga miyembrong bansa sa international community upang mas mapaigting pa ang paglaban sa terorismo.