43,000 vote counting machines na gagamitin sa eleksyon, nasa bansa na

PCOS-0106Dumating na sa bansa ang 43,000 vote counting machines (VCMs) na gagamitin sa susunod na halalan.

Pero ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesman James Jimenez, nananatili pa sa kostodiya ng Bureau of Customs (BOC) ang 23,000 vote counting machines.

Ang 20,000 VCMs naman ay nasuri na at nakuha na ng Comelec.

Samantala, maaring ilabas na sa susunod linggo ng Comelec ang listahan ng mga kandidato na makakasama sa balota.

Sinabi ni Jimenez na partial at unofficial pa na maituturing ang ilalabas na listahan.

Ilalathala aniya ang listahan sa website ng Comelec para magkaroon ng pagkakataon ang mga kandidato para makita at maiwasto ang spelling ng kanilang pangalan.

Bagamat hindi pa tiyak kung sino ang mga mapapasama partial unofficial list, ang sigurado lang ayon kay Jimenez ay mas maikli ito kumpara sa dami ng mga naghain ng certificate of candidacy.

Inanunsyo din ng Comelec na iniurong nila pagpapaimprenta sa balota. Mula sa orihinal na petsa na January 27 ay uumpisahan na ito sa February 1.

Read more...