Backstreet Boys member Nick Carter, arestado matapos manuntok ng bouncer

nick carterInaresto ang isa sa mga miyembro ng grupong Backstreet Boys matapos manuntok umano ng bouncer sa isang saloon.

Ayon sa ulat naganap ang insidente sa Key West, Florida.

Sinubukan umano ni Carter at ng kaniyang kasama na nakilalang si Michael Rae Papayans, 27 anyos na pumasok sa Hog’s Breath Saloon sa Key West pero hindi sila tinanggap dahil lasing na lasing ang dalawa.

Doon na umano nakipagtalo ang dalawa sa tagabantay ng Saloon.

Sinabihan umano sina Carter at Papayans na umalis na sa lugar pero hindi agad sumunod ang dalawa.

Sa huli nang mapapayag din sina Carter na umalis sa Saloon nay sinuntok ng singer ang bouncer habang palabas sa lugar.

Kapwa inaresto sina Carter at Papayans at sinampahan ng kasong misdemeanor battery.

Read more...