Sen. Bong Go namahagi ng tulong sa mga biktima ng lindol

Sen. Bong Go photo

Personal na namahagi si Senator Bong Go ng tulong pinansyal at relief items sa mga lugar sa Mindanao na tinamaan ng malalakas na lindol noong nakaraang linggo.

Mula sa Thailand ay diretso si Go sa mga residenteng naapektuhan ng pagyanig na nananatili sa mga evacuation centers.

Unang pumunta ang senador sa evacuation center sa Brgy. Ilomavis sa Kidapawan City.

Pagkatapos ay nagmotorsiklo ito papunta sa Makilala, North Cotabato at doon ay namigay din ng tulong.

“Kahit saang sulok po ng Pilipinas, pupuntahan ko po kayo para magbigay ng tulong at mag-iwan ng ngiti sa oras ng inyong pagdadalamhati. Gusto ko marinig ang inyong hinaing at mabigyan ng solusyon ang pang-araw araw ninyong problema,” ani Go.

Nanawagan naman si Go sa gobyerno at publiko na magkaisa para tulungan ang mga biktima ng lindol.

Nakipag-ugnayan din ang senador sa National Housing Authority (NHA) para sa pag-aayos ng mga nasirang bahay ng mga residente.

Hinimok nito ang mga residenteng kailangan ng tulong medikal na pumunta sa pinakamalapit na Malasakit Center para sila ay mabigyan ng tulong ng pamahalaan.

 

Read more...