P36M halaga ng droga nasamsam sa buy bust sa Pasay City

Arestado ang dalawang lalaki sa buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Pasay City Lunes ng gabi.

Ayon sa PDEA, nasa P36 milyon na halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang suspects.

Anim na kilo ng shabu ang nabili sa mga suspects sa operasyon sa isang hotel sa Roxas Boulevard.

Sinasabing sa buong Luzon ang operasyon ng mga suspects.

Dahil dito, inaalam ng PDEA kung ang dalawa ay mga miyembro ng malaking drug syndicate.

 

Read more...