Binabantayang LPA, posibleng maging bagyo sa susunod na 24 hanggang 36 oras – PAGASA

Photo grab from DOST PAGASA’s website

Patuloy na tinututukan ng PAGASA ang namataang low pressure area (LPA) sa bahagi ng West Philippine Sea.

Ayon kay PAGASA weather specialist Benison Estareja, huling namataan ang LPA sa 700 kilometers West ng Oriental Mindoro bandang 3:00 ng hapon.

Mataas aniya ang tsansa na maging tropical depression ang LPA sa susunod na 24 hanggang 36 oras.

Sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw, sinabi ni Estareja na mananatili ang sama ng panahon sa boundary ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Oras na pumasok ito sa loob ng PAR, tatawagan itong Kiel kung magiging bagyo.

Nakakaapekto naman ang trough o dulo ng LPA sa bahagi ng Ilocos Region, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro at Palawan.

Bukod dito, mayroong isa pang binabantayang bagyo ang PAGASA sa labas ng bansa.

Aniya, isa itong severe tropical storm na may international name na “Halong.”

Huli itong namataan sa layong 3,400 kilometers East ng Northern Luzon.

Hindi naman aniya ito inaasahang papasok sa loob ng bansa.

Read more...