Empleyado ng DOLE patay sa ambush sa Malate, Maynila

Patay ang isang babae matapos pagbabarilin sa Malate, Manila Lunes ng hapon.

Dead-on-arrival nang itakbo sa ospital ang isang senior officer ng Department of Labor ang Employment (DOLE) Manila Office matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem ang sasakayan nito sa kahabaan ng Malvar St. bandang 5:00 ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Helen Dacanay na nagtamo ng tama ng bala dahilan para masawi ito.

Si Dacanay ang nagmamaneho ng kulay gray na sasakyang Hyundai na may plakang ACA7338.

Nakaligtas naman sa pananambang ang kasama nitong si Atty. Agatha Ann Daquigan, isang labor arbiter ng National Labor Relations Commission (NLRC).

Ayon kay Police Lt. Col. Ariel Canarle Caramoan, hepe ng Manila City Police Station 5, galing sa DOLE Manila office ang mga biktima.

Sinabi ni Caramoan na magsasagawa sila ng imbestigasyon para malaman ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang dahilan sa pamamaril.

Read more...