Higit 100 trak ng basura, nakolekta sa dalawang malaking sementeryo sa Maynila

Kuha ni Rhommel Balasbas

Aabot sa mahigit 100 trak ng basura ang nakolekta sa dalawang malaking semeteryo sa Lungsod ng Maynila sa nagdaang Undas.

Batay sa datos ng Manila Public Information office (PIO), nasa kabuuang 121 na trak ng basura ang nahakot sa Manila North Cemetery at Manila South Cemetery mula October 10 hanggang November 2.

Sa nasabing bilang, 81 sa mga ito o 1,003.06 cubic meters ay mula sa Manila North Cemetery habang 40 trak o 919.55 cubic meters ang nakuha sa Manila South Cemetery.

Matatandaang milyun-milyong katao ang bumisita sa dalawang sementeryo para alalahanin ang kanilang mga mahal sa buhay.

Read more...