Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, dapat na agad na tukuyin ni Lacson ang sinasabing parked project sa pambansang pondo.
Ipinaliwanag ng kalihim na tiyak kasing tatapyasin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kwestyunableng proyekto lalo na kung pasok sa pork barrel funds.
May kapangyarihan si Pangulong Duterte na i-veto o tanggalin ang mga kwestyunableng project bago tuluyang aprubahan ang pambansang pondo.
Matatandaan na sa 2019 national budget, aabot sa halos P100 billion ang tinapyas ni Pangulong Duterte dahil sa mga kwestyunableng proyekto na isiningit sa pondo ng Department of Public Works and Highways.
Nauna nang sinabi ni Lacson na hindi niya palulusutin ang nakatagong pork sa panukalang budget.