Ilang lugar sa Luzon, makararanas ng pag-ulan

Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 3:27 ng hapon, iiral ang moderate to heavy rainshowers na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Pampanga, Batangas at Bulacan.

Mararamdaman ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Samantala, heavy to intense rainshowers na may kasamang kidlat at malakas na hangin naman ang mararanasan sa Ramos at Pura sa Tarlac; Mabitac, Santa Maria sa Laguna; Pililla sa Rizal; at Bataan.

Apektado rin ang Nueva Ecija partikular sa Guimba, Nampicuan, Cuyapo, Llanera, Munoz at San Leonardo; Zambales sa Olongapo, Subic, Castillejos, San Marcelino, San Narciso, San Felipe, Cabangan, Botolan, Palauig at Iba; Quezon sa Lucban, Sampaloc, Atimonan at Mauban.

Payo ng weather bureau, maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...