P3.4M halaga ng shabu, nasamsam sa Zamboanga City

Nakumpiska ang nasa P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Zamboanga City, Linggo ng hapon.

Batay sa ulat ng Zamboanga City police, isinagawa ang pinagsanib-pwersang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Zamboanga City Police Station 5 Drug Enforcment Team at 74th Infantry Battalion ng Philippine Army sa harap ng isang fast food stall sa Barangay Divisoria bandang 1:20 ng hapon.

Naaresto ang mga suspek na sina Alner Andao at Aljimar Jimla.

Ayon sa pulisya, nahuli ang dalawa matapos positibong makabili ang isang pulis na nagsilbing poseur buyer sa operasyon ng kalahating kilo ng shabu.

Dinala na ang narekober na ilegal na droga sa PDEA laboratory sa Zamboanga Peninsula para magsagawa ng eksaminasyon.

Read more...