MRT-3, nagkaroon ng aberya; Higit 500 pasahero, pinababa

(Updated) Nagkaroon ng aberya ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Lunes ng hapon.

Sa abiso ng pamunuan ng MRT-3, iniulat ng train driver na mayroong smoke emission sa isa sa mga tren sa bahagi ng Santolan Station northbound bandang 4:08 ng hapon.

Dahil dito, pinababa ang 530 pasahero sa tren.

Tiniyak naman ng pamunuan ng MRT-3 na magsasagawa ng masusing imbestigasyon ang rehabilitation at maintenance provider na Sumitomo-Mitsubishi Heavy sa insidente.

Bandang 4:30 ng hapon, nag-implementa ng provisional service mula Shaw Boulevard hanggang Taft Avenue.

Siniguro ng MRT-3 na walang nasugatang pasahero sa insidente.

Humingi naman ng paumanhin ang MRT-3 sa mga naabalang pasahero.

Read more...