Ayon kay PACC spokesman and Commissioner Manuelito Luna, magdudulot ito ng usaping legal at etikal sa panig ng Bise Presidente.
Magreresulta rin ito anya ng duplikasyon ng trabaho o functions sa hanay ng mga ahensiya ng pamahalaan gaya ng DSWD LGUs at Philippine Red Cross na nagnagbibigay na ng relief operations sa mga lalawigang sinalanta ng pagyanig sa Mindanao.
Sinabi pa ni Luna, mayroon nang nakalaang pondo ang pamahalaan para sa mga biktima ng kalamidad kaya hindi kailangan na mag-solicit pa ng donasyon ang Office of the Vice President (OVP).
Kaya pakiusap niya kay Vice President Leni Robredo na itigil ang paghingi ng mga donasyon para sa Mindanao.
Kung sakaling aniyang ipilit ng bise presidente ang pangunguha ng donasyon, ihihiling niya sa Commission on Audit (COA) at sa Ombudsman na imbestigahan ang OVP.