23 prosecutors, 355 na piskal, ginawaran ng promosyon

GailAabot sa 23 prosecutors ng Department of Justice (DOJ) ang ginawaran ng promosyon ng Malakanyang.

Sa kalatas mula sa Office of the Executive Secretary, nakasaad ang pagkakapromote bilang Prosecutor III kina Sebastian Caponong Jr. Stewart Allan Mariano, Ramon Chito Mendoza.

Na-promote rin ang mga piskal na may hawak sa kaso ng Mamasapano encounter na sina Rassendell Rex Guingoyon, Juan Pedro Navera, Benito Sales at limang iba pa.

Maging si Gail Maderazo na spokesperson ng National Prosecution Service (NPS) at anak ng station manager ng Radyo Inquirer na si Jake Maderazo ay napromote din bilang Assistant State Prosecutor.

Samantala, inaprubahan din ng Malakanyang ang promotion at appointment ng 355 na bagong piskal mula sa Regions 1 hanggang 13.

Kabilang na rito ang mga piskal sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Read more...