Sa panayam sa pangulo sa pagdalo nito sa isang event sa Bulacan, iginiit niyang hindi patas na aprubahan ang nasabing panukalang batas at masasakripisyo ang nakararaming miyembro nito.
Dagdag pa ni PNoy, ang SSS pension hike ay ikatutuwa ng dalawang milyong SSS retirees pero ikapapahamak ng 30 milyong miyembro nito. “Matutuwa yung 2 million, mapapahamak yung 30 million. Tama ba ang pagbabantay natin ng pondong ito?” ayon sa pangulo sa isang ambush interview.
Ipinaliwanag ni Pangulong Aquino na maraming bagay na ikinunsidera kabilang na ang kasalukuyang income ng SSS at ang economic at financial situation.
Magugunitang umani ng batikos ang ginawang pag-veto ng pangulo sa House Bill No. 5842.