95 na ang arestado sa paglabag sa Comelec gun ban

gun-banPatuloy na nadaragdagan ang mga naarestong lumalabag sa umiiral na gun ban.

Sa pinakahuling datos mula sa Philippine National Police (PNP), sa ngayon nasa 95 katao na ang naaresto.

Sa nasabing bilang 90 ang sibilyan habang, 1 ay pulis, 1 ang CAFGU at 2 security guards.

Sa kabuuan mayroon ng nakumpiska na 79 na iba’t ibang uri ng mga baril at 331 na iba pang mga deadly weapons.

Mayroon ding nakumpiskang 3 gun replica, 2 granada, 2 pampasabog at mahigit 300 piraso ng mga bala.

Read more...