Manny Pacquiao Foundation nangangalap ng tulong para sa mga nasalanta ng lindol sa Mindanao

Nangangalap ng tulong ang foundation ni Senator Manny Pacquiao para maipadala sa mga nasalanta ng lindol sa Mindanao.

Sa kaniyang post sa Twitter sinabi ni Pacquiao na magpapadala ng relief goods ang “Manny Pacquiao” foundation sa mga nasalanta ng lindol.

Kasabay nito, hinimok ni Pacquiao ang publiko na tumulong sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga donasyon.

Maari lamang aniyang bisitahin ang website na pacquiaofoundation.org para malaman kung paano makatutulong.

Para naman sa mga nais magpadala ng tseke, maari itong ipadala sa address na Manny Pacquiao Foundation, #10866 Wilshire Boulevard, 10th Floor Los Angeles California.

Read more...